BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Saturday, May 16, 2009


SIYA


maraming bagay akong dapat harapin ngayon.

na dati mga kinatatakutan ko.akala ng iba,

ako ang taong pinaka masaya. ako ang taong hindi tinatablan ng problema.

hindi nila alam ako ang pinaka malungkot na tao.na sa likod ng masayahin kung mukha,

nakatago ang aking kalungkutan.mas madalas ako ngayon makaramdam ng lungkot.

dahil sa mga pinagdadaanan ko.ang hirap , lalo na kapag gabi at nag-iisa na lng ako.

mas madalas na mas gusto ko talagang mag-isa.

kapag mag-isa ako, mas nakakapag-isip ako.

mas gusto ko na ako lang at si GOD.

ngunit sa kabila ng kalungkutan ko, mayroon isang nagbibigay sakin ng lakas.

lakas na hindi kayang ibigay sakin ng kahit na sino.

siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay buhay pa rin ako.

siya ang lagi kong kasama, simula pa.ngunit hindi ko siya masyadong pinansin noon.

subalit ngayon, sinasamahan niya ako sa kabila ng mga pagkukulang ko sa kanya.

ang dami kong sinayang na panahon.

sana mas maaga ko siyang nakilala at tinanggap sa buhay ko.

ngunit alam ko, hindi pa huli ang lahat, marami pa akong pagkakataon.

marami pa akong panahon at oras para bumawi sa kanya.

siya ay laging handang maghintay sakin.

ayaw ko ng masayang ang panahon na binigay niya sakin.

gusto ko siyang makilala pa ng lubos.

0 comments: