I CHOOSE TO LOVE
JOHN 15:11-13
These things I have spoken to you, that My joy may remain in you, and that your joy may be full. This is My commandment, that you love one another as I have loved you. Greater love has no one than this, than to lay down one's life for his friends.
Malungkot ako ngayon. Mabigat ang pakiramdam ko.
Dumating sa point na ayaw ko makakita ng tao.
Gusto ko ako lang at si God. Na wala akong ibang kasama kundi Siya lang.
Marami akong gustong itanong sa kanya. Gusto ko umiyak ng umiyak.
Na Siya lang ang gusto kong mag-comfort sakin.
Gusto ko yakapin Niya ako ng mahigpit na mahigpit, na halos ang hininga ko at tibok ng puso ko ay maging kaisa ng hinga at tibok ng puso Niya.
Gusto ko maramdaman ang tibok ng puso Niya, ng piliin niyang mahalin ang isang katulad ko.
Isang katulad ko na makasarili, sinungaling, walang kwenta, makasalanan.
Bakit Niya nga ba ako minahal at hanggang ngayon ay minamahal?
Ngayon alam ko na, alam ko na kung bakit sa kabila ng mga kapintasan at mga kasalanan ko ay minahal at minamahal pa rin niya ako.
Ito ang buhay Niya, ito ay bahagi ng kanyang buhay.
Piliin ang isang katulad ko na makasalanan na mahalin at makasama Niya.
Piliin ang isang katulad ko na walang kwenta. Ganito pala kadakila ang pag-ibig ng Diyos.
Pinili ng Diyos na mahalin ako, upang piliin ko ring mahalin ang mga taong sa tingin ko ay hindi karapat-dapat mahalin. Ang mga taong makasarili, magnanakaw, walang kwenta, makasalanan. Ang hirap palang magmahal ng mga taong ganito. Pero ang Diyos, pinili niya pa ring mahalin ang mga taong ganito.
HE CHOOSE TO LOVE ME!
Everybody is entitled to love.Each and everyday we must wake up and choose to love.
When we choose to love, we are choosing to accept this person as another one of God's children.
I ask God for the strength for me to choose to love everyday and expect nothing in return, and to help me to open my heart to the gift of love.
How about you? What "CHOICE" have you made today?